Wednesday, December 15, 2010

“Billionaire in Making”


Ako ang anak nina Ginoong Jimmy H. Lozano Sr. at Gng. Elsie Lozano. Mayroon akong kapatid na sina Jessilie Lozano at Eunice Lozano. Ako ay pinanganak noong Mayo, ika-16 ng taong 1990 sa Bansud, Silangang Mindoro.
Nagtapos ako ng elementary sa Simon Gayutin Memorial Elementary School sa taong 2003.At nagtapos ng hayskul sa Oriental Mindoro Academy sa taong 2007. At nakapagtapos din sa ACLC Calapan ng kursong Software Development sa loob ng dalawang taon noong 2009. At nag-aaral din ng isang taon sa kursong BSIT, at nagpatuloy sa St. Anthony College sa taong ito ng 2010.
Noong bata ako lagi kong iniisip kong paano ang buhay nga isang mayaman. Bagamat mayroon din naming kaya sa buhay ay nangangarap pa din na minsan magkaroon ng isang mas kaayaayang buhay. Hindi naman siguro masamang mangarap at maghangad na magkaroon ng mas maayos na buhay depende lang siguro kung papaano mo ito aabutin.
Ngayon mag-isa nalang akong pumapasok sa kulehiyo dahil tapos na ang ate ko. Paminsan minsan namimis ko yung kabaitan niya, kasi pag minsan pinaglalaba niya ako. Ako at ang ate ko ay di naman ganong kalapit sa isat isa, madalas pa nga ay nag –aaway kami. Ang kapatid ko naming si Eunice na mas bata sa akin ay madalas ko ding kaaway siguro ganito lang kaming maglambingan na magkakapatid kasi sa totoo lang di ako “showy”  na tao.
Mas malaki na ngayon ang “allowance” ko kumpara sa dati, siguro kasi medyo maalwan na ngayon sina mama at papa. Pero kahit na malaki na ang baon ko ay gusto ko pa ding kumita sa sarili kong pagsisikap. Kahit na di ako technician ay gumgawa ako ng computer, sideline ika nga.Marami na din akong suki, dahil dito nakakaipon na din ko at nakakabili ng mga gusto ko.
 Sa ngayon hinahanda ko ang sarili ko para sa pangarap ko mula pa ng pagkabata. Gusto kong maabot ito para sa pamilya ko at sa magiging sarili kong pamilya . Susubukan ko, wala naming masama basta sa tamang paraan. Kasi gusto ko ang magiging anak ko ay hindi na makaranas pa ng kahirapan. Sabi nga ng iba “pagpinanganak kang mahirap, di mo kasalanan pero pagnamantay kang mahirap, kasalanan mo na”.

2 comments:

  1. nice blogger n blogger na oh.. Hmm
    mee too!
    I wanna be a millionaire/ Billionaire

    ReplyDelete
  2. . . ,sana before age of 25 . .eh billionaire na ko. . hehehehe

    ReplyDelete