Wednesday, December 15, 2010

Hospital ulit?

Hay hirap talaga ng sakitin, kelangan mong uma-absent pag magpapacheck-up or ico-confine ka na.Pag nangyari yun kelangan mong mag habol ng mga lesson. Hirap pa naman nun lalo na kung ikaw lang mismo sa sarili mo ang uunawa nung lesson.
Isa pang mahirap pag may sakit ka eh yung walang kamatayang turukan session. Yung feeling mo eh parang hanggang buto mo ay tinuturukan nila. Minsan  nga pag nakikita ko yung nurse, parang gusto ko ng magtago dahil alam ko kung anu nanaman ang gagawin nya saken.
At ang pinakahuli ay yug tinatawag kung aftershock sa hospital. Dahil sa walang ka sa panlasa sa pagkain kunti lang ang makakain mo, pero buti nalang may swero, pero di yun sapat. Kaya sa huli gulay ka pa ring lalabas. Sa sitwasyon ko napakahirap akong tumaba kasi mabilis yung metabolism ko kaya matatagalan bago bumalik yung dati kung katawan. Isa pang di ko malilimutan paglulmalabas ako ng hospital eh yung tipong nag byahe ako mula Apari hanggang Solo subrang lula ako, epekto siguro yun nung mga gamut na pinainum saken.
Sa huli masaya ako dahil nakalabas na ako ng hospital. Isa nanamang di malilimutang karanasan.

1 comment: