Wednesday, December 15, 2010

Kagat ng Langgam daw?

Kagat ng langgam yan yung lagi nilang sinasabi, tanda ko pa nung bata ako mga grade one ako nun may libre kasing bakuna kaya lahat pinapipila para bigyan nito. Dahil sa excited ako pangalawa pa ko sa pila nun at saka dahil maliit ako, lam mo naman pag maliit laging sa una.
Nung sinabi ng nurse yun syempre naniwala ko. Grabe masakit pala yun kala ko kagat lang talaga ng langgam, yun bang pag magnanakaw kayo ng rambutan sa puno tapos kakagatin kayo ng antik kala ko ganun lang kasakit sa kagat ng antik.
Marami akong natutunan sa nangyaring yuon. Na una dapat nagtanong muna sa nauna para malaman kung masakit talaga. Pero sabagay di nuon sasabihin para parehas kaming maturukan.pangalawa ka kahit pa nung bata pinamumulat na tayo na okey lang magsinungaling para sa ikabubuti ng iba. Dahil siguro kung sinabi nilang masakit talaga yun eh baka nag tago na ko sa c.r nuon.at ang huli lam kuna kung bakit mas masakit yung turok sa kagat ng langgam kasi kahit na dalawang pangil yung sa langgam eh mas mahaba naman yung sa turok tapos may antibiotic pa sigurado kung langgam nga talaga yun eh kasing laki yun nung aso namin.

No comments:

Post a Comment