Masaya ko nung binigyan ako ni mama ng pambili ko ng smartphone. Ito ung unang bese na galing sa kanila yung pambili ng smartphone, kasi nagkaroon ako ng cellphone dati pero sa sarili kong pera galing. Di kasi nila ako bilhan nun. Ang papa kasi ang laging kontrabida. Ang ginagawa ko nun ay nakiki-text lang ako sa mama.
Una kong nagkaroon ng cellphone nung ako ay second year college na imagine ang tagal ano.Ang una kong cellphone ay sony ericson na model. Maliit sya pero hirap gamitin, nasanay kasi ako sa mga nokia phone at tapos madali pang malowbat. yung mga sumunod kong naging cellphone ay iba iba na kasi bag ba-buy and sell ako.
Ngayon binigyan na ako ng pambili, iniisip ko ngayon kung anong smartphone angbibilhin ko.
Magkaiba yung Samrtphone sa Cellphone, yung smartphone maraming capabilities tapos ung cellphone ay mga essential na application ang naka-install lang.
Ang gusto ko ay matagal lifespan ng battery at may magandang camera kasi mahilig akong mag take ng picture. Ang ginawa ko ay nag compare ako sa internet or para bang nag titingin muna.
Sa huli ang nabili ko ay Nokia E71 na model, kasi nabasa ko na naging no. 1 smartphone sya ng 2010 tapos can afford naman. Ang problema ay qwerty ung keypad nya ito ung katulad nagkeyboard. Nung una nahirapan ako nung huli ay hindina.
Nalaman ko di mo malalaman ang isang bagay pag di mo susubukan. At matututunan mo ang isang bagay kong talagang gugustuhin mo.
No comments:
Post a Comment