
Nung lumipat kami sa Victoria ay ako lang ang sinama nila, naiwan sa mga lolo at lola ko yung dalawa kong kapatid. Sa Victoria nagsimulang mamili ang mama ko ng palay. Nung una ay ang mama ko ang namimili tapos sa tita Marivic ko yung puhunan. Nung kami ay nakabili na ng lupa dun ay nagsimula na din kaming magtayo ng sariling buying station ng palay. Minulat ako ng mama ko sa negosyong ito. Minsan nga pagwala siya ako yung namimili kaya minsan lugi pero ok lang naman sa kanya. Yung papa ko at dalawang tito ko ang nagda-drive ng mga sasakyan tapos yung mga nagbubuhat ng palay ay taga sa amin.
Ngayon may negosyo din ako parang ganun din sa mama ko, buy and sell naman ng secondhand na mga cellphone. Ok din naman yung kita waglang magagastos yung puhunan. Ang buhay parang negosyo minsan panalo minsan lugi sa buhay naman may problema. Ang maganda lang ay dapat di ka magsawang magtry ng magtry di ka magsa-success kong di ka nag-failed.
No comments:
Post a Comment