Wednesday, January 5, 2011

"Teacher Call It Cheating, We Call It Teamwork"


Hahaha. . ang kulit ng picture na ito. . nakakarelate ako. . .pero hindi ganyan kadiskarte. . .tamang tanong at senyas lang. .

For sure nakapangupya ka na din. . imposible naman kahit simpleng pagtatanong sa katabi sa oras ng exam?. . .CHEATING pa din yun. . .

Pero mas madali kasing mang gaya kesa mag-isip. . heheheheh

Kahit siguro ung mga prof natin or teacher. . pustahan naka pangupya na din yun. . .kwento nga din ni bez ( ronie codon ). . kahit nga daw yung mga pumapasok ng masteral eh gumagawa nun. . kami pa kaya?. . hehehehe

Ang pangungupya ay maraming kinakailangang abilidad. . una sa lahat dapat malakas ang luob mo. dapat di katakot mahuli. . at dapat magaling ang memory mo. . heheheh. .kung wala ka nyan. .wag mo ng tangkain. .at sigurado di ka magssuccess..

Dapat din magaling kang makisama. . at dapat nakaplano na ang inyong gagawin. . ang paborito kong tactics ay ito. .

1. "Plan Cover Ma'am - may isang or dalawang sabay na magtatanong sa teacher. .cocoveran nila ang mga kakaklasing nangungupya. . tatagal ito ng 10 sec. pag lumabis eh baka mahalata kayo. . at dapat ang interval ay mga 15 mins lang. . .


2."Plan Anu nga yun?". .ito yung simpleng pagtatanong. . dapat medyo dedma effect. . hahahha


3."Plan Dumog" - ito yung pinakapaborito ko. . yung halos lahat ay nasa unahan na at magpapasa. . tapos yung nakapag pasa eh lalapit sayo at ituturo yung tamang sagot. .syempre di kita ng teacher yun. . .dapat eh magaling ang pandinig mo. . mga 15 sec to tumatagal. .


Yang mga yan eh subok na. . kesa dun sa paitan ng papel. . mahirap yun. . ngayon college iba. .kumbaga mas maingat na dapat. .. . hehehehehe. . . kung makapal talaga ang muka mo. .gayahinn mo yung classmate ko ng highschool. . .OPEN NOTES. . .hahahaha. . ni minsan di ko ginawa yun at talagang nakakatakot. . . .

Tuesday, January 4, 2011

"3 in 1 coffe + Dingdong = Masarap na Kapehan"

Paggising ko sa umaga talagang kelangan kong mag kape. .kasama na talaga sa buhay ko yan. .ika nga di kompleto ang maghapon pag wala yan.. .misan may nagbigay sakin ng dingdong eh 10 am na  kagigising ko lang nun. . . sinubukan kong magkape habang kinakain yung dingdong. . masarap pala . . kaya simula noon eh lagi na akong nagkakape with my dingdong. . . .kape sa umaga. . kape sa tanghali.  kape sa hapon. .at kape sa gabi. . pinakamarami kong pagkakape sa loob ng isang araw ay apat lamang. . syempre baka magkasakit ana ako noon. . at mahal din yun. . . .tapos na. .xD

" Shuttlecoooooock!!!!"

Minsan talaga may mga bagay na di ko lubos maisip tulad nalang nitong shuttlecock na ito. . grabe subrang laki nya. . .di ko nga alam kong gano pa kalaki yung kapartner nyang raketa?.hahaha . kung iisipin mo para san kaya at gumawa sila ng ganitong kalaking shuttlecock. . uhmp pwedegng pandislay. .pero panget namang pandisplay ung ganito. . siguro panlaro din. . siguro kung ito yung gagamitin ko. . di ako mahihirapang patamaan. . hahahaha. . pero ok na din at gumawa sila ng ganito. . kasi napagana nila ang imahinasyon ko at natuwa ako. . depende na sa tumitingin yan. . .sabi nga nila ang ganda ng isang bagay ay depende sa tumitingin. may mga bagay talagang nakakapagpasaya sa atin. .depende naman yun sa sense of humor mo at babaw ng kaligayahan. .
Kung gusto mo talagang sumaya pwede ka talagang sumaya asasayo nalang yun. . .mas magandang maging masaya kesa malungkot na nagiisa. .

"My First Mug"


 Ito yung mug nabinili namin kanina.. . ang pumili nyan ay yung mga taga room 9. . di nga dapat yan ung pipiliin ko yung white sana. . pero sa huli ito na din. . ito yung una kong sariling tasa. . xempre sarili kong pera yung pinambili nyan.. .yung toy na mliit na yun ay regalo sa akin ni Mia dun sa monito monita namin sa b.haus.


Nung pag-uwi namin eh pinakita ko kay Manang kaagad. . sabi nya baka daw 2 pesos na singil nila sa hot water dahil dole daw ng laki nung tasang ginagamit nila. . yung puting tasa katabi ng tasa ko. .

Masaya kapag nagkakaroon ka ng bagay na masasabi mong talagang sayo,. . yung maipagmamalaki mo. . yun lang share lang. . hehehehehe. .XD

"Mom's Apprentice"

Namulat ako sa hirap ng buhay, kaya alam ko kung gaano kahirap kumita ng pera. Ang mama ko ang naghahawak ng pera sa amin at ang papa ko naman ang nagtatrabaho. lagi akong kasama ng mama sa lahat ng lakad nya kumbaga ako yung apprentice nya. Maraming pinasukang business ang aking mama. Nung asa Bansud kami ay namimili sya ng saging. Natatandaan ko pa kung pano magbilang ng saging, ang ginagawa ay tinutuldukan yung isang saging para di makalimutan. Ang pagbibilang ng saging ay limahan kaya kunwari ay may tatlo pang saging sa isang piling hindi na kasama sa bilang yun.

    Nung lumipat kami sa Victoria ay ako lang ang sinama nila, naiwan sa mga lolo at lola ko  yung dalawa kong kapatid. Sa Victoria nagsimulang mamili ang mama ko ng palay. Nung una ay ang mama ko ang namimili tapos sa tita Marivic ko yung puhunan. Nung kami ay nakabili na ng lupa dun ay nagsimula na din kaming magtayo ng sariling buying station ng palay. Minulat ako ng mama ko sa negosyong ito. Minsan nga pagwala siya ako yung namimili kaya minsan lugi pero ok lang naman sa kanya. Yung papa ko at dalawang tito ko ang nagda-drive  ng mga sasakyan tapos yung mga nagbubuhat ng palay ay taga sa amin.

    Ngayon may negosyo din ako parang ganun din sa mama ko, buy and sell naman ng secondhand na mga cellphone. Ok din naman yung kita waglang magagastos yung puhunan. Ang buhay parang negosyo minsan panalo minsan lugi sa buhay naman may problema. Ang maganda lang ay dapat di ka magsawang magtry ng magtry di ka magsa-success kong di ka nag-failed.

Monday, January 3, 2011

"My Mom's Gift"

Masaya ko nung binigyan ako ni mama ng pambili ko ng smartphone. Ito ung unang bese na galing sa kanila yung pambili ng smartphone, kasi nagkaroon ako ng cellphone dati pero sa sarili kong pera galing. Di kasi nila ako bilhan nun. Ang papa kasi ang laging kontrabida. Ang ginagawa ko nun ay nakiki-text lang ako sa mama.


Una kong nagkaroon ng cellphone nung ako ay second year college na imagine ang tagal ano.Ang una kong cellphone ay sony ericson na model. Maliit sya pero hirap gamitin, nasanay kasi ako sa mga nokia phone at tapos madali pang malowbat. yung mga sumunod kong naging cellphone ay iba iba na kasi bag ba-buy and sell ako.
Ngayon binigyan na ako ng pambili, iniisip ko ngayon kung anong smartphone angbibilhin ko.
Magkaiba yung Samrtphone sa Cellphone, yung smartphone maraming capabilities tapos ung cellphone ay mga essential na application ang naka-install lang.
Ang gusto ko ay matagal lifespan ng battery at may magandang camera kasi mahilig akong mag take ng picture. Ang ginawa ko ay nag compare ako sa internet or para bang nag titingin muna.
Sa huli ang nabili ko ay Nokia E71 na model, kasi nabasa ko na naging no. 1 smartphone sya ng 2010 tapos can afford naman. Ang problema ay qwerty ung keypad nya ito ung katulad nagkeyboard. Nung una nahirapan ako nung huli ay hindina.
Nalaman ko di mo malalaman ang isang bagay pag di mo susubukan. At matututunan mo ang isang bagay kong talagang gugustuhin mo.

"Son of Arthurs's Mug"

. . Nung bakasyon ng December abala ko sa mga PTC Sites kaya lagi kong napupuyat. . at kapag napuyat syempre tanghali na gigising. . . at kahit anung oras abutin magkakape talaga ako. .

Minsan naubusan ng mainit na tubig sa bahay kaya pumunta ako sa mga tito kong bahay(isang compound lang kami). .at dhil makakalimutin ako. . nakalimutan ko yung tasa ko. , kaya sa kanila nalang ako nanghiram ng tasa. .kaya lang ang poblema eh. .grabe anlalaki ng tasa nila. .parang sila. . hayst di manlang ako nakamana ng tangkad nila. .no choice kelangan kong magkape para mabuhay ang mga dugo ko. .kaya tinanggap ko na din ung TAAAASAAAAA!!


nung natitigan ko yung tasa naalala ko si arthur,yung kaboardmate ko. . mabait un. . mahilig sa cartoons at mga manga. . naalala ko dati sa canteen ng boarding house namin. . kasabay ko syang magkape . .dala nya yung kanyang tabo, , este yung tasa nya pla. . yung tasa ng tito ko eh 3/4 lang nung tasa nya, , hay kung di mo makikita yung kapitan nung tasa eh aakalain mong mangkok na lalagyan ng buko salad. . . .di ata kasya dun ung isang 3 in 1 . . siguro mga 2 sapat na yun. .may mga bagay talagang nagpapaalala sa atin sa isang tao, bagay, panahon at lugar. . .

"Cute EGGPLANT!!!"

Nung pumunta kami sa San Teodoro eh sakto atang magpipiyesta dun kaya naisipan kong maggala. Medyo marami na din akong napuntahang lugar.Sa bawat lugar kong napupuntahan pinipilit kong makapamasyal kahit saglit lang.Sa di kalayuan sa tinutuluyan namin eh may nakakuha ng atensyon ko.


Unang beses ko lang makakita ng ganito.Nung una kala ko pang decoration lang, ngunut nagulat ako dahil totoo pla.Ang dahaon ng punong ito ay parang sa talong pero iba ang itsura ng bunga nito.ang CUTE nito parang star na talong.


Ang pagkakamali ko lang ay di ko naitanong sa may bahay kong anung pangalan ng punong ito. Sana may makapagsabi sakin kung anung uri ng halaman ito.